-- Advertisements --

Patay ang isang lalaki matapos itong saksakin ng kanyang kapitbahay na inutangan k sa B. Rodriguez Extension, Brangay Guadalupe nitong lungsod ng Cebu.

Kinilala ang biktimang si Randy Aguilar habang ang suspek naman ay si Jecery Moneno.

Ayon pa sa imbestigasyon na siningil ng suspek ang utang ni Aguilar na 1,200 ngunit nang tinangihan ito ay dali-daling binunot ni Moneno ang kutsilyo at sinaksak ang leeg ng biktima.

Dali namang nakatakas ang suspetsado ngunit sapul sa CCTV footage ang nasabing pangyayari sa labas mismo ng isang tindahan kaya agad nagsagawa ng manhunt operation ang pulisya.

Nahuli ito sa kanyang bahay sa Sitio Riverside ng nasabing barangay ilang metro sa pinangyarihan ng krimen.

Inamin naman ni Moneno ang nasabing pagpatay at nagawa pa umano niya ito dahil sa tagal ng hindi nababayaran ng biktima.

Kasalukuya ngayong nakadetained ang suspek at nakatakdang sampahan ng kasong pagpatay.