-- Advertisements --

Iginiit ni Sen. Panfilo Lacson na hindi ipinagpilitan ni dating Sen. Gregorio “Gringgo” Honasan ang kaniyang sarili kay Pangulong Rodrigo Duterte para maging kalihim ngayon ng Department of Information and Communication Technology (DICT).

Ito ang sinabi ni Lacson, matapos magkaroon ng ilang agam-agam sa intelligence fund ng DICT dahil sa mga pahayag ni Usec. Elisdeo Rio Jr.

Wala rin daw masama sa intel fund ng ahensya dahil talagang kailangan ito para sa monitoring sa telecommunication companies.

Aniya inilo-lobby noon ni Honasan si Usec. Rio na maging permanenteng kalihim sana ng DICT, pero kalaunan ang itinalaga ng Pangulong Rodrigo Duterte ay ang mismong nag-iindorso.

Maging si Senate President Tito Sotto ay dudang magagawa ng dating kasamahan ang anumang katiwalian sa paghawak ng nasabing ahensya.