-- Advertisements --
DAVAO PRISON

Inihayag ng BuCor na 400 bilanggo sa Davao Prison and Penal Farm (DPPF) sa Davao del Norte ang nabakunahan laban sa pneumonia.

Ang mga nabakunahan sa unang bahagi ng buwang ito ay mga PDL sa maximum security compound ng Davao Prison and Penal Farm, medium security compound, minimum security compound, at sa Correctional Institution for Women sa Mindanao.

Ayon sa kawanihan, ang mga pagbabakuna ay isinagawa ng Health and Welfare Service Section (DPPF-HWSS) ng Davao Prison and Penal Farm.

Ang layunin sa pagpapatupad ng programang pagbabakuna na ito ay upang mapabuti ang kalusugan at kagalingan ng mga matatandang populasyon na nakakulong sa nasabing pasilidad.

Gayundin na matiyak ang pagpapatuloy ng pangangalaga at i-maximize ang pangmatagalang benepisyo ng pagbabakuna para sa mga bilanggo.