-- Advertisements --
image 524

Inihayag ng Philippine Institute of Volcanology and Seismology (PHIVOLCS) na mayroong apat na pyroclastic density current (PDC) na naitala mula sa Bulkang Mayon.

Sinabi ni PHIVOLCS director Teresito Bacolcol na ang pinakamataas na naitala ay noong 8:58 a.m. na may ash plumes na umaabot sa 100-meter high.

Sa kabila nito, sinabi ng PHIVOLCS na wala silang nakikitang dahilan para itaas ang Alert Level 4 sa Mayon Volcano.

Sa kasalukuyan, nananatiling nakataas ang Alert Level 3 sa aktibong bulkan sa Albay dahil sa tumitinding aktibidad nito o magmatic unrest.

Ayon sa ulat ng PHILVOLCS, nagpakita na ang Bulkang Mayon ng siyam na mahihinang lindol at 147 rockfall events sa nakalipas na 24 na oras.

Sa ngayon, hindi pa rin pinapayagan ang pagpasok sa six kilometer radius permanent danger zone ng Bulkang Mayon.