-- Advertisements --
10 ang naitalang namatay sa Turkey at 6 naman sa Syria sa nangyaring magnitude 7.8 na lindol sa bahagi ng Gaziantep, southeastern part ng Turkey.
Nangyari ang nasabing pagyanig bandang alas 4:17 ng umaga ngayong araw, at may lalim na 17.9 kilometro o 11 miles.
Base sa report ng United States Geological Service, mayroon pa umanong 6.7 magnitude na lindol na nangyari malapit sa naunang naitala makalipas ang 15 minuto ngunit ito ay mas mababaw.
Naramdaman naman ang nasabing pagyanig sa Lebanon, Syria at Cyprus.
Marami namang gusali ang nasira sa southeast part ng bansa.
Una na rito, matatandaan na ang Turkey ay isa sa mayroong active earthquake zones sa buong mundo.