CENTRAL MINDANAO- Sa ginanap na JOINT PPOC,PADAC,PSWMB, PDRRMC at PDC Meeting naging isa sa magandang talakayan ng iba’t-ibang ahensya ang isyu patungkol sa Massive Disconnection na gagawin ng MAGELCO.

Ipinaliwanag ni General Manager Ashary Maongco ang mga paratang at alegasyon sa ahensya.

Agad namang, itinaas ng mga Mayor ang kanilang mga hinaing at bigyan ng kaukulang legal na aksyon ang mga problemang kinakaharap ng probinsya sa elektrisidad.

Naging maayos ang diskusyon at nangako ang MAGELCO na aayusin ang problema sa loob ng madaling panahon upang maibsan ang dinadaing ng bawat mamamayan ng Maguindanao.

Isa itong naging madaling hakbang ng butihing Gobernadora upang iparating ang hinanaing ng kanyang nasasakupan. Ito ay hindi representasyon ng PLGU-Maguindanao kundi ito ay aksyon para sa boses ng maralita at ng ating nagkakaisang mamamayan ng Maguindanao.

Tuloy ang hakbang sa pagtutuwid at pagsulong ng Makabagong Maguindanao.