-- Advertisements --

Nilinaw ngayon ng Malacañang na “standby power” lamang ang proposal nila sa Kongreso na pahintulutan ang pamahalaan sa pag-takeover sa mga private establishments.

Sa kanyang pagharap sa binuong Committee of the Whole ng Kamara, sinabi ni Executive Secretary Salvador Medialdea na binatikos publiko ang porposal nilang ito.

Kaya naman inamiyendahan na nila ang hiling sa Kongreso at iginiit na ang takeover sa mga private establishments ay gagawin lamang kung kakailanganin.

“We only desire such a power to be legislated because the virus we are up against is so unpredictable and can spread rapidly in a community. The power to take over is intended merely as a standby power in the event the crisis reaches its worst,” ani Medialdea.

Kahapon, binatikos ang draft Senate bill na nagsasabing isa sa mga emergency powers na ibibigay kay Pangulong Rodrigo Duterte para sa COVID0-19 response ay ang kapangyarihan na i-takeover pansamantala ang operation ng mga privately-owned public utility o negosyo.