-- Advertisements --
Ipinag-utos na rin ni Labor Sec. Silvestre Bello III na pagpapalabas ng P72.3 million na emergency assistance fund para sa mga biktima ng pagsabog ng bulkang Taal.
Ang naturang tulong daw ng Department of Labor and Employment (DOLE) ay sa pamamagitan ng emergency employment sa ilalim ng government internship program.
Ayon naman kay Usec Renato Ebarle, head employment cluster ng DOLE, sa pamamagitan ng naturang sistema, ang mga benefeciaries ay tutulungan ng mga local government units (LGUs) sa rehabilitasyon partikular sa siyam na apektadong bayan sa Batangas.
Linggo noong sumabog ang Taal volcano na nagdulot ng perwisyo sa mga residente sa Batangas at karatig na lugar.