-- Advertisements --

batangas2

Sumampa na sa mahigit P628 million halaga ng pinsala sa sektor ng agrikultura ang naitala ng National Disaster Risk Reduction Management Council (NDRRMC) matapos ang pananalasa ng Bagyong Jolina sa bansa.

Ayon kay NDRRMC Spokesperson Mark Timbal, anim na rehiyon sa bansa ang naapektuhan sa hagupit ng Bagyong Jolina, ito ay ang region3, Calabarzon, Mimaropa, region 5, region 6 at region 8.

Sinabi ni Timbal ang region 5 ang may pinaka malaking naitalang pinsala sa agrikultura na umaabot sa higit P110 million ang coast of damage, partikular ang fisheries sector na siyang ang lubhang tinamaan.

Sa infrastructure sector naman, nasa mahigit P57 million ang nasira mula sa apat na rehiyon. Ito ay ang Calabarzon, Mimaropa, region 5 at region 6.

Umabot naman sa kabuuang 8,925 kabahayan ang nasira mula sa limang rehiyon kung saan 8,492 ang partially damage habang 432 ang totally damaged.

Samantala, nasa kabuuang mahigit P1.3 miilion halaga ng ayuda gaya ng family food packs, bigas at iba pa ang ipinamahagi ng DSWD sa region 3, Calabarzon, Mimaropa at region 5.

Sa ngayon nasa 81,048 pamilya o nasa 313,373 indibidwal ang naapektuhan sa Bagyong Jolina at kasalukuyang nanunuluyan pa rin sa ibat ibang mga evacuations centers.