Mahigit P47 billion mula sa P200-billion budget para sa social amelioration ang naibigay na ng Department of Social Welfare and Development sa mga local government units (LGUs) sa bansa.
Ayon kay DSWD Sec. Rolando Bautista, hawak na ng mga LGUs ang perang ipapamahagi para sa emergency subsidy program sa gitna ng COVID-19 pandemic.
Sa humigit kumulang isang buwan matapos na ipinatupad ang enhanced community quarantine, inanunsyo ni Bautista na P335,847,000 na ang kabuuang halaga na naipamahagi ng mga LGUs sa 58,150 na mga low income households na hindi kasapi ng 4Ps.
Sa pamamagitan ng Bayanihan to Heal as One Act, P200 billion ang inilaan ng pamahalaan para sa 18 mahihirap na pamilyang Pilipino na apektado ng COVID-19.
Kalahati ng naturang halaga ay naibigay na sa DSWD, na inilaan lamang para sa unang batch ng distribution ng social amelioration.