-- Advertisements --

deg1

Arestado ang dalawang drug suspeks sa ikinasang buy-bust operations bandang alas-7:30 kagabi sa Makati City ng pinangunahan ng mga tauhan ng PNP Drug Enforcement Group (PDEG) katuwang ang mga tauhan ng Makati Police Station, PDEA-NCR Bureau of Customs Intelligence and Investigation Service.


Ayon kay PDEG Director, PBGen. Remus Medina, nasa P40.8 million pesos ang halaga ng iligal na droga ang kanilang nasabat sa dalawang drug personalities sa may bahagi ng Hilario St., Brgy Palanan Makati City.

Kinilala ni Medina ang mga naaresto na sina Bryan Salceda, 26 anyos at Jerome Gaje, 27 anyos na kapwa residente ng Pasay City.

Nakuha mula sa mga suspek ang may 6 na kilo ng Shabu; boodle money na ginamit sa operasyon, cellphone na gamit sa transaksyon at pakete ng plastic ice.

deg2

Nasa kostudiya na ng Special Operations Unit 1 ng PDEG sa Kampo Crame ang mga naarestong drug suspek habang hinahanda ang kasong paglabag sa RA9165 laban sa kanila.

Pinuri naman ni Medina ang kaniyang mga tauhan sa matagumpay na operasyon.

Aniya, magpapatuloy ang pagiging masigasig ng kaniyang mga tauhan para labanan ang iligal na droga sa bansa.

Ayon pa sa heneral na asahan na sa mga susunod na araw ang ikakasa nilang massive operations para masawata na ang problema sa illegal drugs at makamit ang drug free Philippines.