-- Advertisements --
Aabot na sa mahigit P4 billion ang nagastos ng pamahalaan sa pagtatayo ng mga quarantine at isolation facilities sa buong bansa sa nakalipas na mahigit isang taon, ayon kay DPWH sec. Mark Villar.
Sa pagdinig ng House Committee on Health, sinabi ni Villar na kasama rin sa halagang ito ang mga ginastos sa pagtayo ng mga off-site dormitories at modular hospitals.
Sa ngayon, 635 COVID-19 facilities pa lamang sa target nilang 720 facilities ang natatapos, na mayroong katumbas na 23,241 total bed capacity.
Kaya naman sinisikap aniya nilang matapos sa laling madaling panahon ang pagtayo sa nalalabing mga COVID-19 facilities upang sa gayon ay maiakyat din sa 26,099 ang total bed capacity ng bansa.