Kinumpirma ng pamunuan ng Philippine National Police (PNP) na na-release na ang kanilang bonus at cash gift para sa taong 2017.

Ito’y magandang balita sa pamilya ng mga pulis at non uniformed personnel ng PNP.

May kabuuang halaga ito na P4.4 billion para sa 191,480 na active duty uniformed at non-uniformed personnel ng PNP.

Maaari na nilang makuha ito sa kanilang ATM accounts sa Land Bank of the Philippines matapos ilabas ng PNP Finance Service.

Ang year end bonus ng mga pulis ay katumbas ng kanilang isang buwang sahod at P5,000 cash gift mula sa national government.

Ngunit ang mga pulis na may pending administrative at criminal case ay hindi pa ilalabas ang bonus bilang Disciplinary Policy ng PNP.