-- Advertisements --
FB IMG 1594279416686

Nasabat ng Bureau of Customs (BoC)-Enforcement Security Service (ESS), Customs Intelligence and Investigation Service (CIIS) ang mga misdeclared na sigarilyong nagkakahalaga ng P32.7 million sa Import Exit Gate (IEG) sa Manila International Container Port (MICP).

Lumalabas na ang mga shipment ay idineklarang SH brand non-woven bags pero nang ito ay buksan, tumambad ang 1,092 master cases ng D&B cigarettes.

Sinasabing tatlong opisyal ng Customs Brokers group ang nagtangkang makipag-usap sa BoC para i-release ang naturang mga container matapos itong isalang sa inspeksiyon.

Ayon sa Customs Intelligence and Investigation Service, maglalabas sila ng subpoena laban sa mga consignee ng nasabing shipment gayundin sa mga brokers nito para sa kasong paglabag sa RA 10863 Customs Modernization and Tariff Act 

Hindi naman tinukoy ng BOC kung sino ang consginee ng nasabing kontrabando.