Nakatakda nang sampahan ng kaso ang isang lalaki matapos mahulihan ng P3.4 million halaga ng shabu sa isinagawang buy-bust operation sa Malolos, Bulacan.

Sinabi ni Bulacan provincial director Police Colonel Lawrence Cajipe, kinilala ang suspek na si Alexander De Naga na naaresto sa Diversion Road, Barangay Mojon.

Narekober sa suspek ang dalawang piraso ng transparent plastic bags na naglalaman ng 500 grams ng shabu, blue box, cellphone at buy-bust money.

Haharapa ang suspek sa kasong paglabag sa Republic Act 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.

Ang mga nakumpiskang shabu ay dinala na sa Bulacan Provincial Crime Laboratory Office.