-- Advertisements --

CENTRAL MINDANAO-Abot sa higit P3 milyong halaga ng Innovation Fund (iFund) ang inilaan ng Department of Science and Technology o DOST sa dalawang micro, small, and medium-scale enterprise (MSME) sa North Cotabato.

Ang pondo ay may kaugnayan sa ipatutupad na Small Enterprise Technology Upgrading Program (SETUP) ng DOST.

Benepisyaryo ng pondo ang TSM Food Products ng Kidapawan City para sa aprubadong proyekto na Technology Upgrading on Calamansi Juice Processing Facility.

Ang proyekto ay pinaglaanan ng P2,177,432.

Benepisyaryo din ang Kian Tek Rubber Factory Corporation sa bayan ng Makilala para sa Deployment of Vertical Helophyte Filter Systems.

Ito ay may pondong abot sa P1,706,372.

Kaugnay nito, umaasa si DOST XII regional director Sammy Malawan na maayos na maipatutupad ang dalawang proyekto sa kabila ng pandemya.

Binigyang-diin pa ni Malawan na patuloy ang pagpapatupad ng SETUP sa iba’t ibang bahagi ng rehiyon upang mabigyan ng technological innovation ang mga MSME.

Ito ay upang lalo pang maisulong ang kanilang mga produkto, serbisyo, at operasyon.