Nakatakda nang i-dispose ng Bureau of Customs (BoC) sa pamamagitan ng auction ang mga smuggled na luxury shoes maging ang mga pekeng sapatos na naharang ng Customs noong nakaraang taon.
Ang mga kontrabando ay nagkakahalaga lahat ng P23.2 million na kinabibilangan ng mga relo, bags, sapatos, sandals, shirts at accessories.
Pinangunahan noon nina Intellectual Property of the Philippines (IPOPHIL) Director General, Atty. Rowel Barba, District Collector Carmelita Talusan at the representatives ng Christian Dior, Nike, Converse, Hermes, Chanel, Fendi, Maison Goyard, Michael Kors, Alexander Mcqueen at Swarovski ang inspection sa mga forfeited luxury goods na naharang ng BoC-NAIA noong 2020 sa Paircargo para beripikahin ang genuineness at authenticity ng mga ito.
Nang makumpirma ang genuineness at authenticity, agad namang nagdesisyon ang BoC na ipa-auction ang mga ito bilang pagsunod sa Section 1141 ng Customs Modernization and Tariff Act (CMTA) para maka-generate ng karagdagang revenue collection ng port.
Nangako naman ang BoC na sa pamumuno ni Commissioner Rey Leonardo Guerrero na patuloy ang kanilang pagbabantay sa mga borders ng bansa para hindi makapasok ang mga smuggled goods at iba pang mga modus operandi.