-- Advertisements --

ISABELA CAGAYAN CAUAYAN TUGUEGARAO

Nasa P1.19 billion ang naitalang pinsala sa sektor ng agrikultura partikular sa region 1, 2, 3, Calabarzon, region 5 at Cordillera region.

Umabot na sa P469.7 million ang pinsala sa imprastraktura sa region 1,Mimaropa at region 5.

Nasa 25,852 naman na mga kabahayan ang nasira dahil sa hagupit ng bagyo.

Ito ay base sa isinagawang damage assessment ng ahensiya sa mga rehiyon na lubhang hinagupit ng Bagyong Ulysses.

Nilinaw naman ng NDRRMC na walang discrepancy sa kanilang mga figures dahil sumailalim na ito sa validation.

” There is no discrepancy po sa figures. The figures provided by the good Secretary ng DPWH is their agency’s estimate of the possible damages to infrastructure incurred in all affected areas,” paliwanag ni Timbal.

Sinabi ni Timbal ang datos o figures na inilalabas ng NDRRMC ay ang actual computed damages na iniulat ng mga regional DRRMCs batay sa isinagawa nilang damage assessment.

Dagdag pa ni Timbal, hinihintay pa rin nila ang ulat ng iba pang mga DRRMCs para sa kanilang report kaugnay sa naging epekto ng bagyo.