CEBU CITY – Humigit kumulang P2 million halaga ng hinihinalang shabu ang nakumpiska ng mga awtoridad sa dalawang magkahiwalay na operasyon sa Cebu City.
Sa unang operation, tatlong suspek ang nadakip ng Cebu City PNP sa Sitio Tarcom, Brgy. Lahug sa nasabing lungsod sa alas-7:00 kagabi.
Kinilala ang mga suspek na silang Guillermo Calia, 22; Arjuna Redama, 21; at si Lloyd Octaviano Pabilic, 26-anyos.
Umabot sa 150 gramo ang bigat ng nakuhang iligal na droga mula sa tatlong suspek, na tinatayang nagkakahalaga ng P1 million.
Samantala, pagsapit ng alas-10:30 ng gabi, naaresto naman ng City Drug Enforcement Unit ng Cebu City PNP sa Brgy. Ermita, Cebu City ang dalawa pang High Value Individual.
Kinilala ang mga ito na sina Romeo Dominguez alyas “Choks”, 28; at Blas Lloyd Batac alyas “Balas”, 21.
Nasa P750,000 halaga naman ng hinihinalang shabu na may timbang na 111 grams ang nakuha mula sa dalawang suspek.
Kasong paglabag sa RA 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002 ang kakarapin ngayon ng limang suspek.