Kinuwestiyon ng Commission on Audit (COA) ang undocumented travel expenses ng Office of the Solicitor General (OSG) noong 2019 na nagkakahalaga ng P1.16 million.
Sa kanilang 2019 Annual Audit Report sa OSG, sinabi ng mga state auditors na unliquidated o hindi suportado ng mga karampatang dokumento ang P1.16-million local at foreign travel expenses ng OSG.
Paglabag anila ito sa COA Circular No. 2012-001 and Presidential Decree (PD) No. 1445.
Naksaad sa naturang COA circular na ang gastos para sa local travel ay dapat justified at may kalakip na certificate of appearance/attendance, at certification ng head ng ahensya.
Para naman sa travel abroad, nakasaad sa naturang COA circular na dapat may maisumiteng certificate of appearance/attendance for training/seminar participation; at narrative report sa trip undertaken/report on participation.
Nakasaad naman sa PD 144 na anumang claims sa government funds ay dapat na supported ng coplete documentation.