Mahigit 100 pekeng Persons with Disabilities (PWDs) identification (ID) card ang nadiskubre sa lungsod ng Bacolod.
Ito ay kinumpirma mismo ni Alma Gustilo officer-in-charge ng Department of Social Services and Development batay sa kanilang monitoring kamakailan.
Ayon kay Gustilo na kailangan nilang suriin kung ang mga ito ay ginagawa dito.
Dagdag pa ng opisyal na ang mga pekeng PWD ID ay nai-print sa ibang uri ng papel habang ang mga numero ng PWD ay magkakahalo, at ang naka-encode na uri ng mga kapansanan ay mali.
Iniutos ni Mayor Alfredo Abelardo “Albee” Benitez na ipa-recall ang 12,000 existing PWD IDs dito upang matiyak ang seguridad ng data sa paggamit ng QR code system at pagpapalit ng PVC cards.
Sinabi ni Gustilo na malamang na hindi pa updated ang figure dahil base sa kanilang database, 7,000 PWDs pa lang ang nakarehistro dito.
Aniya, tatanungin niya si Benitez kung maaari nilang palawigin ang paggamit ng mga umiiral nang PWD ID at booklet sa mga business establishments hanggang Pebrero 29, habang hinihintay ang pagproseso ng kanilang mga bagong PWD ID card.
Sinabi ni Gustilo na maglalabas ang lungsod ng temporary PWD certificate na may bisa.
Maaaring iproseso ng mga PWD ang kanilang mga bagong PWD ID card sa Government Express Office sa SM City Bacolod at Bacolod Express Service Office sa Ayala Malls Capitol Central, dagdag niya.
Para sa mga bedridden PWDs, sinabi ni Gustilo na ita-tap nila ang mga PWD president sa mga barangay para tulungan sila sa pagkuha ng bagong PWD ID card.