Isang makasaysayang pagbabalik ang naganap sa entablado ng America’s Got Talent (AGT) nang muling sumabak sa kumpetisyon ang Filipino-American singer na si Jessica Sanchez makalipas ang dalawang dekada.
Tinanggap niya ang Golden Buzzer mula kay Sofía Vergara matapos ang kanyang nakakaantig na audition.
Inawit ni Sanchez ang “Beautiful Things” ni Benson Boone, na agad tumanggap ng standing ovation mula sa audience at lahat ng hurado (Sofía Vergara, Simon Cowell, Mel B, at Howie Mandel).
Kuwento pa ni Jessica, sampung taong gulang pa lamang ito nang sumali sa Season 1 ng AGT na aniya’y umabot sa semi-finals kasabay nito ang pagbabahagi niya ng paglayo at pagbabalik sa musika.
“I was so swayed by what everybody wanted me to be… Maybe it took me 20 years, but I know exactly who I am. And I know exactly what I want. I’m excited to be back,” ani Sanchez, na kilala rin bilang runner-up sa American Idol Season 11 noong 2012.
Dagdag pa niya, siya ay kasal na ngayon at inaasahan ang kanyang unang anak.
Samantala, emosyonal si Sofía Vergara bago pinindot ang Golden Buzzer, “It’s so amazing that we are celebrating the 20th anniversary, the 20th season of AGT. You are here again after 20 years, you are pregnant. You are so beautiful; you are so ready to do all this. This was a special moment, and I think that you deserve this,” ani Vergara.
Matatandaang noong 2013, inilabas niya ang kanyang debut album na ”Me, You & the Music” at lumabas sa sikat na musical TV series na Glee.