Lagpas 90% ng direct cash subsidies o mahigit P900 million na ang naibigay sa 80,249 public utility vehicle (PUV) operators sa buong bansa, ayon sa Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB).
Sa isang statement, sinabi ng LTFRB na sa ilalim ng Direct Cash Subsidy Program ng ahensya at ng Department of Transportation (DOTr), kabuuang P916,058,000 subsidiya na ang napaabot sa mga PUV operators noong Abril.
Nabatid na ang bawat operator ay nakatanggap ng P6,500 sa kada PUV unit sa ilalim ng kanilang prangkisa bilang cash aid upang matulungan sila matapos na tinamaan ang kanilang hanapbuhay bunsod ng safety protocols na ipinatupad para mapigilan ang pagkalat ng COVID-19.
Kabuuang 178,244 PUV units ang inaasahan na makakatanggap ng financial aid.
Ang mga eligible para rito ay ang mga operators ng public utility buses, point-to-point buses, public utility jeepneys, mini-buses, UV express vehicles, at FilCab units.