Mahigit 800 panukalang batas ang inaprubahan ng Kamara sa nakalipas na taon sa kabila ng mga hamon na hatid ng COVID-19 pandemic.
Sa kanilang annual legislative performance report, ang Kamara sa ilalim ng liderato ni Speaker Lord Allan Velasco ay nakapag-apruba ng kabuuang 803 measures sa second regular session ng 18th Congress.
Kabilang sa mga panukalang batas na ito ang 501 na naaprubahan sa ikatlo at huling pagbasa, 72 ang siyang naging ganap na batas.
Aabot naman sa 131 resolutions mula Hulyo noong nakaraang taon ang naaprubahan ng Kamara, at 20 naman sa 30 measures sa Common Legislative Agenda of the Legislative-Executive Development Advisory Council (LEDAC).
Lima sa 20 panukalang batas na ito ang naging ganap na batas habang ang iba naman ay pinadala sa Senado para kanilang aksyunan.










