-- Advertisements --
Ipinapaubaya ng Philippine National Police (PNP) sa Department of Foreign Affairs (DFA) sa usapin ng pagkakaaresto kay dating Ako Bicol Representative Zaldy Co sa Czech Republic.
Ayon kay PNP spokesperson Brig. Gen. Randulf Tuaño , na hindi pa sila makakapaglabas ng larawan ng dating mambabatas dahil ito ay hawak pa ng mga otoridad ng Czech.
Una ng inanunsiyo ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr na naaresto na si Co sa Prague dahil sa kakulangan ng papeles.
Si Co ay nahaharap sa iba’t-ibang kaso na idinadawit sa anomalya sa flood control project.
















