-- Advertisements --

Mahigit 70 katao ang namatay sa pagguho ng isang minahan ng ginto sa bansang Mali sa Africa. 

Ayon kay Oumar Sidibe, opisyal ng gold miners sa lugar, nagsimula ang lahat sa isang malakas na ingay hanggang sa unti-unti nang gumalaw at gumuho ang minahan na mayroong 200 katao na nagmimina. 

Hindi pa malinaw ang naging sanhi ng pag-collapse ng minahan ayon sa Ministry of Mines ng bansang Mali. Napag-alaman din na nag-ooperate ang minahan nang hindi nagco-comply sa pamantayan ng ahensya. 

Dahil dito, nanawagan ang Ministry of Mines ng naturang bansa na respetuhin at sumunod sa mga panuntunan at pamantayan ng pagmimina. 

Ang bansang Mali ang ikatlo sa pinakamalaking gold producer ng kontinente ng Africa.