BUTUAN CITY – Nakarating na kaninang alas-12:55 ng madaling araw ang 625 locally stranded individuals sa Caraga sakay ng chartered voyage na dumaong sa international port sa Nasipit, Agusan del Norte.
Ang nasabing mga LSI ay mula pa ng Manila ,Cebu at Cagayan de Oro cities, na uuwi sa kani-kanilang probinsya nitong rehiyon matapos ma-stranded ng dalawa’t kalahating buwan dahil sa ipinatupad na lockdown na hatid ng COVID-19 pandemic.
Bago isinakay sa mga sumundo sa kanilang sasakyan na kinumisyon ng kani-kanilang mga city ug provincial governments ay isina-ilalim muna sila sa standard health protocols.
Ang kanilang pag-uwi ay dahil sa Balik Probinsya Program ng Regional Task Force-One Caraga Shield kasama ang koordinasyon ng Inter-Agency Task Force , Department of Interior and Local Government, Department of Social Welfare and Development, Department of Health at sa congressional office ni Butuan City ug Agusan del Norte 1st District Rep. Lawrence Lemuel Fortun.