-- Advertisements --

Aabot sa 530 na mga frontliners sa bayan ng Tuburan Cebu ang binigyan ng cash assistance ni Congressman Pablo John Garcia kahapon, Pebrero 23.

Sa nasabing bayan, 480 nito ay mga lupon tagapamayapa at 50 naman na mga daycare workers mula sa 54 na mga barangay ang naabutan ng tulong.

Hinati naman sa umaga at tanghali ang pamamahagi sa assistance upang masigurong nasunod ang social distancing.

Nabatid na aabot naman sa 6,000 mga frontliners sa 3rd district ng Cebu ang nabigyan ng cash assistance noong nakaraang taon.