-- Advertisements --

Nakapagtala ang Phivolcs ng 52 volcanic earthquakes sa Taal Volcano sa nakalipas na 24 oras.

Kabilang dito ang 23 volcanic tremor events na tumagal nang isa hanggang limang minuto.

Mula sa main crater, mayroon din lumabas na plumes sa nakalipas na 24 oras dahil sa upwelling ng mainit na volcanic fluids.

Umabot naman sa 2,000 meters ang taas ng plumes at tinungo ang direksiyong west-southwest.

Naitala rin ang Sulfur dioxide emission na mayroong sukat na 3,848 tonnes kada araw simula August 25.

-- Advertisement --

Dahil dito, nakataas pa rin ang Alert Level 2 sa Taal Volcano.