Mahigit 13,000 pamilya o nasa higit 50,000 indibidwal sa Mindanao ang lumikas dahil sa Bagyong Auring, ayon sa National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC).
Kabuuang 13,816 pamilya o 53,236 katao ang lubhang apektado nang pananalasa ng bagyo sa Northern Mindanao, Davao at Caraga regions.
Aabot sa 12,825 pamilya o 49,236 katao ang lumukas sa iba’t ibang evacuation centers, habang nasa 450 pamilya o 1,720 katao naman ang nagdesisyon na makisulong sa kanilang mga kaanak o kaibigan.
Ayon sa NDRRMC, beberipikahin pa nila ang naturang bilang.
Samantala, sinabi ng Philippine Coast Guard na nasa 500 pasahero ang stranded pa rin sa iba’t ibang pantalan sa Northen Mindanao, Northeastern Mindanao, Eastern Visayas, Western Visayas, Central Visayas, Bicol Region at Southern Tagalog dahil sa Bagyong Auring.
Bukod dito, 142 vessels at 96 motor bancas naman ang nakisilong bilang precautionary measure.
Nitong tanghali lang, namataan ang Bagyong Auring sa direksyon patungong Albay-Sorsogon area matapos na mag-landfall sa Batag Island sa Northern Samar.