Reading Time: 1 minute

GENERAL SANTOS CITY – Nasa mahigit 50 aftershocks na ang naitala hanggang alas-6:00 kaninang umaga matapos ang magnitude 5.6 na lindol na tumama kagabi sa bayan ng Makilala sa North Cotabato.

Ang pinakamalakas ay naitala sa magnitude 4.8 dakong alas-10:12 at 11:31 ng gabi.

Naiulat ang ilang pinsala sa mga ari-arian at istruktura sa ibang lugar na nakaramdan ng pagyanig.

Tulad na lamang sa Kidapawan City at Makilala kung saan ilang bahay ang nagkaaroon ng bitak.

Una rito, ayon sa Phivolcs ang sentro ng lindol ay natukoy sa 15 kilometers ng southwest ng bayan ng Makilala.

Inaasahan pa rin naman ang mga aftershocks kasunod ng malakas na lindol.

Sinasabing tectonic ang pagyanig na may lalim na 10 kilometers.

Narito pa ang naitalang mga intensities:

Intensity V – Makilala, North Cotabato; Kidapawan City; Koronadal City; Santa Cruz, Davao Del Sur
Intensity IV – Magpet, Matalam, Kabacan and Tulunan, North Cotabato; Davao City; Polomolok, Tupi, Tampakan, and Sto. Nino, South Cotabato; Tacurong City; President Quirino, Sultan Kudarat; Glan and Malungon, Sarangani
Intensity III – General Santos City; Kiamba, Sarangani; Kalilangan and Damolog, Bukidnon; Carmen, North Cotabato; Bagumbayan, Sultan Kudarat
Intensity II – Cotabato City; Nabunturan, Compostela Valley; Valencia City; Maramag, Lantapan, Cabanglasan, Kadingilan, and Kibawe, Bukidnon; Pikit, North Cotabato

Instrumental Intensities:
Intensity V – Kidapawan City
Intensity I – Zamboanga City