Umabot na ng 473,154 ang kabuuang bilang ng mga overseas Filipino workers (OFWs) ang natulungan ng One Stop Shops ng gobyerno na inilagay sa tatlong terminal ng Ninoy Aquino International Airport (NAIA).
Ayon sa Department of Transportation (DOTr), natulungan ang mga naturang OFWs sa pamamagitan ng paghahanap sa posibleng isolation facilites para sa manadatory quarantine at pagsisiguro na maaalagan ang mga ito hanggang sa makuha ang kanilang quarantine certificates.
Pumalo na ng 184,019 OFWs ang natulungan sa NAIA Terminal 2; 153,243 sa Terminal 1; at 135,892 naman sa Terminal 3.
Maaari namang makita ng mga OFWs ang available quarantine facilities sa pamamagitan ng monitoring charts sa mga terminals ng NAIA na ibinigay ng Manila International Airport Authority (MIAA), Philippine Coast Guard (PCG), Overseas Workers Welfare Administration (OWWA), Department of Foreign Affairs (DFA), at Department of Tourism (DOT).