Pumalo na sa 431 mga presong pinalaya sa Good Conduct Time Allowance (GCTA) ang sumuko sa Philippine National Police (PNP).
Ayon kay PNP Spokesperson BGen. Bernard Banac, sa nasabing bilang 252 na ang naiturn-over ng PNP sa Bureau of Corrections (Bucor) habang ang iba ay nananatili pa sa kustodiya ng PNP sa ibat ibang police stations sa buong bansa.
Sa datos na inilabas ng PNP Public Information Office (PIO) as of 6 a.m. ng June 15,2019 nasa 41 na ang sumuko sa NCRPO, 37 sa PRO1, 36 sa PRO2, 24 sa PRO3,29 sa PRO4A, 74 sa PRO4B, 21 sa PRO5, 38 sa PRO6, 43 sa PRO7, 9 sa PRO8, 21 sa PRO9, 18 sa PRO10, 9 sa PRO12, 14 sa PRO13, at 17 sa PROCOR.
Karamihan sa mga preson sumuko sa PNP ay may kasong murder na nasa 138, sumunod ang rape na nasa 130, 42 sa robbery with homicide, 28 sa homicide at 14 sa rape with homicide.
Inaasahan aniya ng PNP na mas marami pa ang boluntaryong susuko sa mga susunod na araw, bago sumapit ang Sept. 19 deadline na itinakda ng Pangulo bago sila ipa-arresto sa pulis at militar.