-- Advertisements --

Posible umanong matanggap na sa susunod na linggo ng mga health workers ang kanilang hinihinging mga benepisyo sa pagsisilbi ngayong Coronavirus disease 2019 (COVID-19) pandemic.

Nasa kabuuang 426,000 pang health workers ang hindi nakakatangap ng kanilang meals, accommodation and transportation (MAT) allowance sa kalagitnaan ng COVID-19 pandemic.

Ayon kay Department of Health (DoH) Undersecretary Leopoldo Vega, ang benepisyo ng mga health worker ay popondahan ng P1.5 million mula sa contingency fund ng Office of the President.

Sa ngayon ay nakikipag-ugnayan na ang DoH sa Office of the President kaugnay ng naturang pondo matapos umanong pumayag si Pangulong Rordrigo Duterte.

Kung maalala, noong November 26, sinabi ng St. Luke’s Medical Center Employees Union Benjie Foscablo sa mga senador sa budget hearing sa panukalang pondo para sa 2022 na hindi pa nila natatanggap ang kanilang MAT allowances na nasa ilalim ng Bayanihan laws.

Sa parehong hearing, sinabi ni Melbert Reyes ng Philippine Nurses Association na ilang nurses ay nakatanggap lamang ng P900 mula nang nagsimula ang pandemic noong March 2020.

Sa statement na inisyu noong November 28, sinabi ng Health Department na ang mga hindi pa nakakatanggap ng benepisyo ay kailangang maghain ng written complaint sa DoH-Complaints Handling Unit.