-- Advertisements --
Tuluyan nang nakalaya ang ang mahigit 40 naabswelto sa Maguindanao massacre case.
Ayon kay Bureau of Jail Management and Penology (BJMP) spokesman J/C/Insp. Xavier Solda, inihabol kanina ang dalawa sa mga ito dahil may nakitang kulang na dokumento para sa release ng mga ito.
Samantala, apat naman na kasama sa mga napawalang-sala sa massacre ang mananatili sa piitan.
Paliwanag ng BJMP, may iba pang mga kaso ang apat at kailangan nilang pagsilbihan ng bukod ang parusang nakalaan doon.










