-- Advertisements --

Iniulat ng Department of Agrarian Reform (DAR) na 4.826 million hectares na lupain na ang naipamahagi sa 2.894 million agrarian reform beneficiaries (ARB) mula 1972 hanggang ngayong 2020.

Sinabi ito ni Usec. Luis Pangulayan sa presentasyon ng budget ng DAR sa House Committee on Appropriations nitong umaga.

Ayon kay Pangulayan, sa 4.826 million hectares na lupain na naipamahagi sa mga ARBs, 2.145 million dito ay non-private agricultural lands habang 2.680 million dito ay private agricultural lands.

Sa naturang bilang, 12,792 hectares ng lupain ang aktwal na naipamahagi sa mga beneficiaries mula January hanggang June 2020.

Sa ngayon, 523,092 hectares pa ang hindi pa naipapamahagi ng ahensya.