-- Advertisements --

DAVAO CITY – Kinumpirma ng lalawigan ng Magsaysay sa Davao del Sur na isang barangay sa lugar ang apektado ngayon ng avian influenza o bird flu dahilan na nasa higiti tatlong libo na mga pato ang isinailalim sa culling o pagpatay.

Ayon kay Magsaysay municipal agriculturist Helen Carampatan na positibong infected ang blood samples na kinuha sa mga pato at manok mula sa Barangay San Isidro sa sakop sa nasabing lalawigan.

Una ng napag-alaman mula sa mga personahe ng municipal agriculture isinailalim sa test ang blood sample ng mga manok sa lugar bilang bahagi ng monitoring at surveillance dahil sa posibilidad na may avian flu outbreak sa lugar.

Ito ang dahilan na nasa 3,008 na mga pato ang pinatay sa nasbaing Barangay ito ay para maiwasan ang pagkalat ng virus sa mga katabing Barangay.

Ayon pa kay Anthony Allada, municipal information officer, na ang nasabing mga pato ay nagmula pa sa lungsod ng President Quirino, Sultan Kudarat.

Agad naman na nagpalabas ng guidelines si Mayor Arthur Davin para mapigilan ang pagpasok ng mga domestic at wild birds sa lugar at pina-activate ang quarantine procedures sa lahat ng mga municipal borders.

Inutusan rin nito ang mga Barangay Health Emergency Response Teams na doblehin pa ang pagsisikap at alamin ang problema sa grassroots level para agad na mabigyan ng assistance ang mga apektadong residente.

Kailangan rin umanong magpatupad ng bird flu prevention program.

Kahit hindi ito makakaapekto sa mga tao, may ilan umanong naitalang kaso ng human infection dahilan na pinaalalahanan pa rin ang mga residente sa lalawigan na manatiling alerto.

Nabatid na kung mahawa ng bird flu ang isang tao, makakaranas ito ng ilang sintomas o mild illness hanggang sa severe disease na magresulta sa kamatayan ito ay base sa isinagawang pag-aaral ng mga eksperto.