-- Advertisements --

Humigit kumulang 2,200 overseas Filipino workers (OFWs) na hindi pa fully vaccinated kontra COVID-19 ang nananatili pa rin hanggang sa ngayon sa mga quarantine hotels, ayon kay OWWA administrator Hans Leo Cacdac.

Ayon kay Cacdac, ang mga OFWs na ito ay nananatili sa ngayon sa nasa 70 hotels, na hindi pa nababayaran ng OWWA magpahanggang sa ngayon.

Nabatid mula kay Cacdac na nasa P600 million pa ang utang ng OWWA sa mga hotel owners hanggang noong Sabado.

Umaapela naman siya nang sapat na panahon ngayong Marso para mabayaran ang utang na ito dahil hanggang sa ngayon ay hindi pa naman nailalabas pa ng Department of Budget and Management ang pondo para rito.