Nasa 21 drug suspects ang naitalang napatay sa ikinasang anti-illegal drug operation ng Philippine National Police (PNP) sa loob ng apat na araw na pagbabantay para sa paggunita ng All Souls’ at All Saints’ Day.

Ayon kay PNP Chief Oscar Albayalde, kahit nakatutok sila sa pagtiyak na magiging mapayapa ang paggunita sa binansagang Undas ay hindi rin tumigil ang kanikang anti-illegal drug operation.

Sa katunayan aniya, 616 na drug operation ang kanilang ikinasa sa kasagsagan ng Araw ng mga Patay.

Nagtuloy-tuloy din ang kanilang anti-criminality operation kung saan nakaaresto sila ng 525 wanted person.

Sinabi ng PNP chief, malaking tulong ang kooperasyon ng publiko sa pagpapanatili ng mapayapa at ligtas na paggunita ng Undas.