-- Advertisements --

Umabot sa 2,100 residente ng Parañaque City ang naturukan na ng Sputnik V na gawa ng Russia sa kanilang launching ng naturang bakuna kahapon, Mayo 4.

Ayon kay Parañaque City Mayor Edwin Olivarez, higit 1,200 sa kabuuang bilang ay pawang mga medical frontliners at mga indibidwal na mayroong comorbidity habang 800 naman ang mga senior citizens.

Ipagpapatuloy ang pagbabakuna gamit ang Sputnik V ngayong araw, Mayo 5, dahil hindi pa nauubos ng city government ang pagtuturok sa 3,000 shots na alokasyon para sa lungsod para sa first dose.

Para sa mga nagnanais na magpabakuna, ipinapaalala ng city government na kailangan magparehistro muna sa online bago matanggap ang isang text sa kung kailan at kung anong oras sila kailangan pumunta sa mga vaccination center.