Pumalo na raw sa mahigit 145,900 ang mga pasaherong umalis sa bansa ngayong holiday season partikular ngayong buwan ng Disyembre.
Ayon kay Bureau of Immigration (BI) Commissioner Jaime Morente, ang bilang daw ng international travellers ay nanatili pa ring mababa sa kabila ng holiday season.
Pero inaasahan naman daw ni Morente na madadagdagan ang mga pasahero ng 20 hanggang 50,000 hanggang sa katapusan ng buwan.
Karamihan naman sa mga bumiyahe palabas ng bans ang mga Pinoy na mayroong 117,795 exits, Americans na may 7,776, Indians, 2,908, Chinese na may 2,509 at Japanese, 2,190.
Ang mababang bilang ng mga travellers ay posibleng epekto raw ng mga travel restrictions at quarantine requirements dahil sa Coronavirus disease 2019 (COVID-19) Omicron variant.
Noong Christmas eve at Christmas day, sinabi ng BI na nakapagproseso lamang sila ng 7,000 na umalis sa bansa pero doble naman ito sa figureus noong taong 2020 na 3,854.
Umaasa pa rin naman si Morente na sa kabila ng mababang bilang ng mga travellers ay unti-unti nang sisgla ang international travel sectors habang patuloy ang recovery ng buong mundo sa pandemyang duloy ng COVID-19 at ang iba’t ibang variants nito.