Nasa 1,360 pamilya ang iniulat na lumikas sa kani-kanilang tahanan dahil sa takot na baka maipit sa labanan sa pagitan ng militar at mga teroristang Dawlah Islamiyah terrorists.

Ayon kay 6th Infantry Division (ID) Commander, MGen. Cirilito Sobejana ang mga pamilyang nagsilikas ay mula sa limang munisipyo at ito ay ang mga sumusunod: Mamasapano, Shariff Saydona, Datu Piang, Datu Saudi, Datu Salibo.

Kasalukuyang nanatili sa evacuation centers ang mga nagsilikas na residente.

Hinihintay pa sa ngayon ng militar ang ulat ng local government units mula sa Lanao del Sur kaugnay sa bilang ng mga nagsilikas dahil sa inilunsad na opensiba ng militar.

Sinabi naman ni Western Mindanao Command Spokesperson Lt. Col. Gerry Besana, kanila ng inaasahan ang paglikas dahil natatakot ang mga ito sa kanilang kaligtasan.

Sinabi ni Besana na ang mga nagsilikas na mga sibilyan ay mula sa mga karatig barangay at bayan.