-- Advertisements --
ILOILO CITY – Umaabot na sa 123 ang illegal na investment scheme na patuloy na pinapatakbo sa buong Pilipinas.
Sa eksklusibong panayam ng Bombo Radyo Iloilo kay Ms. Jola Lyn Tingson, spokesperson ng National Bureau of Investigation Region 6, sinabi nito na noong 2019, 65 ang namonitor na illegal investment scheme sa buong bansa.
Ngunit noong 2020 sa kasasagan ng pandemya, domoble ang illegal na investment scheme sa Pilipinas na umaabot na sa 123.
Ang pinakamalaking investment scheme anya ay ang Chiyuto Creative Wealth Document Facilitation Services na pagmamay-ari ng umano’y scammer na si Don Patrocenio Chiyuto Jr. na sa ngayong ay patuloy na missing.