-- Advertisements --

Mahigit 12,454 drivers ng mga public utility vehicles (PUVs) ang nakatanggap na ng cash assistance mula sa social amelioration ng pamahalaan magmula noong Abril 7.

Ayon sa Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB), kabilang sa naturang bilang ang mga drivers ng jeepneys, taxis, buses, motorcycle taxis, at transport network vehicle services, at iba pa.

Ang DSWD ang siyang nangunguna sa distribution ng cash assistance sa mga PUV drivers katuwang ang DOTr, LTFRB, at Land Bank of the Philippines.

Ang pagkakasama ng mga PUV drivers sa ilalim ng social amelioration program ay salig sa Bayanihan to Heal as One Act.

Sa ilalim ng naturang programa, ang bawat benepisyaryo ay makakatanggap ng cash assistance na nagkakahalaga mula sa P5,000 hanggang P8,000 dipende sa regional minimum wage rate.

Sinuspinde ang mass transport operations nang isinailalim ni Pangulong Rodrigo Duterte ang buong Luzon sa enhanced community quarantine upang maiwasan na ang pagkalat pa ng COVID-19 infection.