-- Advertisements --
LSI luneta quirino grandstand

Nagpalipas ng gabi sa Quirino Grandstand sa Rizal Park sa Manila ang nasa humigit kumulang 100 locally stranded individuals (LSIs).

Ilan sa kanila ay hindi nakaabot sa bus trips ng pamahalaan sa ilalim ng Hatid Tulong Program nitong weekend.

Ang iba naman ay hindi nakaabot sa boat trips sa Manila North Harbor Pier.

Ayon sa Philippine Coast Guard, dadalhin ngayong araw ang naturang mga LSIs sa headquarters ng Philippine Army.

Sa nakalipas na weekend, mahigit 3,000 LSIs ang inuwi sa kanilang probinsya sa Luzon at Mindanao sakay ng mga bus na kinontrata ng pamahalaan sa ilalim ng Hatid Tulong Program.

Samantala, pansamantalang naka-on hold ang biyahe papuntang Visayas, lalo na sa estern at western regions gayundin sa Cebu Province.

Ito ay matapos na tumaas ang bilang ng COVID-19 cases sa naturang mga lugar.

Bago sila payagan na makasakay sa mga bus, kailangan muna ng mga LSIs na mag-register, sumailalim sa rapid testing para sa COVID-19, at makapag-secure ng travel authority mula sa Philippine National Police.