ILOILO CITY – Nagpasaklolo sa Bombo Radyo ang mga empleyado ng isang Business Process Outsourcing (BPO) company sa lungsod ng Iloilo dahil sa hindi umano tamang patakaran sa kanilang opisina kasunod ng pagpositibo sa COVID-19 ng isang empleyado.
Sa panayam sa 19 na positive, ayon kay Alias Rose, wala man lang isinagawang contact tracing sa ibang empleyado at pinabayaan lamang silang mga naka-close contact ng pasyente.
Ang masama pa ayon sa kanya, business as usual pa rin ang kanilang arrangement sa trabaho.
Ang dahilan ng management ayon kay Rose ay hindi na umano nila kailangang mag-quarantine dahil sinusunod naman umano nila ang minimum health protocol.
Dahil dito, nagboluntaryo na lamang na magpaswab test ang nagrereklamong agent at hindi na muna bumalik sa trabaho.
Sa ngayon iniimbestigahan na ng Iloilo City Epidemiology and Surveillance Unit (CESU) ang nasabing reklamo.