Aabot sa higit 100 pasyente ng COVID-19 at staff ng mga Mega Temporary Treatment and Monitoring Facilities (TTMFs) ang inilikas ng Department of Health (DOH) dahil sa bagyong Ulysses.
Ayon sa DOH, partikular na inilikas nila ang mga staff at pasyenteng nagpapagaling sa mga TTMFs na nasa flood prone areas. Lahat sila ay dinala muna sa Oplan Kalinga Hotels:
1. 36 patients and 26 staff of Ninoy Aquino Stadium TTMF transferred to Nice Hotel Mandaluyong.
2. 41 patients and 26 staff of Rizal Memorial Coliseum TTMF transferred to Nice Hotel Arayat.
3. 41 patients and 15 staff of PH Arena TTMF arrived at Nice Hotel McArthur at 5:46AM.
4. 28 patients and 32 staff of PICC TTMF transferred to Nice Hotel have also been relocated to Nice Hotel North Edsa at 1:30AM.
Bago tumama ang bagyong Ulysses, nakapag-preposition o nakapaghanda na raw ang DOH ng halos P27-milyong halaga ng mga gamot, medical supplies, PPE at iba pang COVID-19 supplies.
Naka-alerto na for deployment ang Health Emergency Response Teams ng ahensya. Tiniyak naman ng DOH na may naka-standby na functional generator sets at iba lang critical/life-saving equipment sa mga ospital.
“24/7 Operations Centers in CHDs I, II, III, CAR, IV-A, IV-B and V continuously monitoring the effects of the typhoon and coordinating with Provincial DOH Offices, Provincial Health Offices, Office of the Civil Defense, Regional and Local Disaster Risk Reduction Management Council.”