ILOILO CITY – Kinumpiska ng task force na nagmomonitor ng African swine fever (ASF) sa Iloilo ang 11 pakete ng frozen siomai.

Sa eksklusibong panayam ng Bombo Radyo Iloilo kay Dr. Tomas Forteza, City Veterinarian, sinabi nito na nagmula sa Antipolo, Rizal at dumaan sa Capiz patungong Iloilo, ang frozen siomai kung saan hindi agad itong na nakumpiska sa mga ports sa lungsod.

Ani Forteza, ipapadala sa National Animal Disease Diagnostic Laboratory ang frozen siomai upang makumpirma kung positibo ito o hindi sa ASF.

Umaasa si Forteza na hindi kontaminado ng ASF ang frozen siomai.