-- Advertisements --

Inanunsyo ng pamunuan ng NLEX-SCTEX ang plano nitong pagdaragdag ng mga tauhan na siyang magbabantay sa bugso ng mga motorista sa NLEX ngayong holiday season.

Ito ay bahagi pa rin ng pagpapatupad ng “Safe Trip Mo, Sagot Ko” motorist assistance program.

Ang karagdagang 1,500 personnel ang ipakakalat naman simula bukas December 22, 2023 sa buong expressway.

Layon nito na matiyak na maayos na matutugunan ang posibleng bugso ng traffic mula sa biyernes .

Kabilang din sa mga ipapakalat ng pamunuan ng NLEX-SCTEX ay mga patrol crews, traffic marshals, security teams, toll at system personnel, emergency medical team at incident response team sa ilang pangunahing areas.

Hinimok rin ng pamunuan ang mga motorista na dumaan sa NLEX tuwing non-peak hour ng sa gayon ay maiwasan ang mahabang trapiko.