Patuloy pa rin ang pagbibigay ng pamahalaan sa nararapat na tulong at suporta sa mga nasalanta ng El Niño phenomenon sa Pilipinas.
Ayon sa National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC), umabot na sa mahigit ₱432 milyong piso na ang naipagkaloob ng pamahalaan sa mga apektadong Pilipino bunsod sa nasabing tag-init.
Kabilang sa mga ipinamahagi ay ang tulong pinansiyal, hygiene kits, at iba pang kinakailangan ng mga residente ng rehiyon ng Occidental at Oriental Mindoro, Marinduque, Romblon and Palawan o MIMAROPA.
Samantala, aabot naman sa 30,000 na mga magsasaka at mangingisda sa nasabing lugar ang lubhang naapektuhan ang estado ng pamumuhay dulot ng El Niño.
Sa ngayon, ang Western Visayas pa rin ang pinakamatinding naapektuhan dahil pumalo na sa 1.3 bilyong halaga ang pinsala sa nasirang pananim at produksyon sa sektor ng agrikultura dala pa rin ng nasabing El Niño sa bansa.